TO MEND YOUR BROKEN HEART 

(formerly entitled One Message Received)

 

I: One Message Received

         


Message memory full


Yan ang nabasa kong nag-pop out sa screen ng bago kong phone. Haha yung phone ko, di sikat. Basta cellphone. Nakakatext at nakakatawag. At may load wahaha.


*bzzzt bzzzt bzzzt*


3 messages received

So I clicked open

Opening message…

From: No Name

From: Darna

From:Bhez


Binasa ko muna yung text ng aking BFF syempre. Kasi naman kanina niya pa tinatanong kelan uwi ko. Siyempre agad agad ako nagreply. Isinunod ko yung kay Darna (di niya totoong name) kasi yung topic namen eh tungkol sa first love ko! Shet. Yan na naman eh. Sobrang bitter ko sa taong yun tapos yun ang topic namen. Ang saya saya naman niya. Hmmm sarap paltusin.

Siyempre yung kay No Name, na-curious ako kung sino pero wala akong pakialam. Ewan ko, di ko feel eh. Feeling ko eh papansin lang. Haha so I opened the message

From: No Name

            Hi. How are you?

Syempre ah nireplyan ko. Alangan hindi. Pero iba talaga feeling ko eh. Basta di ko maexplain.


Sabe ko:

I’m fine naman. You?

Haha natawa ako pero may halong kaba. Ewan ko basta. Weirdo kasi ako. Feeling ko tuloy flirt ang tingin ng katext kong to.


*bzzzt*


One message received

Opening…

From: No Name

Okay din ako. Ano pala name mo?


What the hell??! Siya nauna nagtext tapos tatanungin niya pangalan ko? Nainis ako pero nireplyan ko agad.


From me:

Ulol ka! Ikaw unang nagtext tapos tatanungin mo pangalan ko? Praning ka ba?!


*bzzzt*


In fairness ang bilis ng reply


From: No Name

Sunget mo naman. Tinanong ko lang pangalan mo eh

Aba! Makapagreklamo toh?! Sarap batukan eh. Diba parang tanga? Unang nagtext tapos ikaw tatanungin kung ano pangalan. Badtrip lang


From me:

Oo noh! Lalo na sa hindi ko kilala. Kanino mo ba nakuha number ko ha?! Sino ka ba?!


Galit na talaga ako. Badtrip eh.


From: No Name

I’m the one that your heart beats and your mind speaks J


Shet! Ang corny ng isang toh. Pilosopo pa. Nakakabanas.


From me:

Cheesy ka!!! Never no! Sino ka ba talaga?!! Wag ka na nga magtext sakin! Nakakainis ka. Kung wala ka rin lang magandang sasabihin wag ka na magtext sayang load mo kahit unli ka pa! Okay??

 

After that, hindi na nga nagreply. Nainis ata. Duh?! The hell. Kapal niya. Siyempre di ko mapigilan sarili ko tinanong ko sa BFF ko at kay Darna kung kilala nila yung Number nay un. Sabe nila hindi. Siyempre tinanong nila kung bakit. Di sinabe ko. Nakakairita lang kasi kinikilig pa sila. Corny ha! Anong nakakakilig dun? Secret admirer ko raw. Sana forever Secret na lang siya. Papatayin ko talaga yun pag nakilala ko na.

Message Memory Full


Nabasa ko ulit. Oo pala hindi pa ako nagdelete ng mga boring at masayang texts. Pinili ko mga quotes na pwedeng pang group message.Siyempre sinave ko. Yun naman uso eh. Tapos bigla ko ulit nakita yung nakatext ko kaninang unggoy. Nainis na naman ako. Ganito talaga ako. Matagal bago makalimot. May pagka- war freak din ako. Kaya kung may kasalanan ka sakin. Sinasabe ko okay lang pero di ko talaga kinakalimutan. Uso kasi sakin ang Forgiven but not Forgotten. Napansin ko after ng last reply ko sakanya eh din a siya nagtext. Tutal wala naman talaga akong pakialam kahit sino pa siya, dinelete ko na rin. Ayan cleared na inbox ko. After that, Sent messages naman yung dinelete ko.

 

***

10:00 pm

10/09/12

Yan ang nakita kong date at oras nung chi-neck ko yung phone ko for updates. Okay. Walang texts. Wala man lang missed calls. Hay! Wala talagang nagmamahal saakin. Iniwan ko na lang ulit phone ko sa ilalim ng unan ko. Umalis muna ako ng kwarto ko at naisipan kong magbasa ng libro sa labas. As usual, get up ko: short shorts (anu daw?) tsaka yung sobrang luwang na damit. Alam mo na siguro kung ano itsura ko niyan no? Basta in short, pantulog. Dahil maraming bituin, at hindi rin lang ako makaconcentrate sa binabasa ko, nagstar-gazing na lang ako. Mahal na mahal ko talaga mga stars lalo na pag nakikita ko sila. Feeling ko astrophile ako. Hahaha. Ano ba meaning niyan? Basta. Gusto ko sila bilangin pero parang tanga pag ganun. Naghanap na lang ako ng mga shapes. Haha. In fairness ang alam ko lang talaga eh yung Big dipper tsaka small dipper. Pero dito sa pwesto ko, nakikita ko palagi yung stars na nagform ng rosary. Di ako nagbibiro. Minsan try niyo hanapin.

Natawa ako nung naalala ko ang high school days. Third year kami nun nung training ng CAT. Alam niyo naman na siguro kung ano meaning niyan. Gabi na nun. Di ako makatulog. Nagpa alam ako sa Commander naming na tatae lang saglit. Actually ang CR eh nasa kabilang building. So kailangan ko pang maglakad ng ilang metro.  Pagkagaling ko ng CR, umihi lang talaga ako, umupo muna ako sa may bench malapit sa entrance ng training house namen. Kitang kita ko talaga yung langit eh. Ang daming stars. Sa totoo lang, hinhintay ko yung narinig ko kaninang may meteor shower daw. Eh mag-iisang oras na ata akong nakaupo dun eh wala pa rin. Naiinis ako. Maikli lang talaga pasensya ko. Pero para sa meteor shower nagtiis ako. Sabi nga Patience is a Virtue. Eto na nga bang sinasabi ko eh, masyado kasi ako nadadala sa mga sayings. Haha. Anyway, so nakaupo pa rin ako. Naisip ko hindi kaya nagtataka yung Commander namin, di pa ako bumabalik? Well, sino ba naman mag-aalala sakin eh di naman ako sikat. I’m just an ordinary girl. Haha English yan teh! Ganun kasi talaga. Favoritism uso haha. So ayun, okay lang kahit ang sakit na ng pwet ko. Naisip ko magbilang ng stars na lang baka sakaling mamaya eh mabawasan na sila at mahuhulog na. Siyempre hindi naman talaga yun ang concept kung bakit may meteor shower. Haha wala lang gusto ko pa sana i-explain pero baka sabihin niyo mayabang ako. Well, so ayun, nagbilang ako. Pakiramdam ko nung nasa 101 na ako eh duling na ako tsaka nahihilo na rin. Ipinikit ko mata ko. Tapos unti unti namanhid katawan ko.


*Flashback*

Naramdaman ko may nakatingin sa akin pero pinanatili kong pikit yung mga mata ko. Ayoko ng istorbo. Hanggang sa naramdaman kong malapit na yung thingy nay un kung ano man yun. Wala akong pakialam. Hindi naman ako matatakutin. Kahit kapre pa yan sabe ko nga, I don’t care. Tapos bigla na lang…

Hoy!! Sabi ng boses lalaki sabay pinalo yung balikat ko

Nagulat ako sobra. Asar na toh. Buti na lang malayo mukha niya dahil kung hindi nasampal ko na.

Anong ginagawa mo dito?

Shet naman. Yung crush ko pala. Si Eayan Ocampo (Ian) . Arte ng spelling pangalan no? Ultimate crush ko siya simula first year kami. Alam niyang crush ko siya. Magkaklase kami mula first year. Parehas kaming nasa science class. Well, naging seatmates na kami, ewan ko lang kung natatandaan niya. Snob siya. Masungit at misteryoso pero mabait at cheesy?

Wala nagpapahangin lang. Bakit mo ba ako pinalo ha?! Medyo naiinis na sabi ko. Kunwari lang siyempre deep inside kinikilig ako. Mas kinilig pa ako nung tumabi siya sa akin. Grabeh!

May lamok kasi. Bakit di ka pa pumasok? Magkakasakit ka niyan.

^_^ Oh my god! Tama ba narinig ko? Yung heart beat ko feeling ko naririnig na niya. Napakagat labi ako bago tumawa ng malakas.

Bakit ka tumatawa? Tanong niya. Monotonous talaga ever!

Wala bakit bawal ba? Sabi ko kunwari seryoso. Pero deep inside kilig na kilig aketch! Hmmm!!!

Oh bakit ang sungit mo na? tanong niya

Hindi ako masungit no!

Yan ang hindi masungit.

Napatigil ako siyempre. Nakakahiya. E di tumahimik na lang ako. Tapos nagulat ako biglang may humawak sa kamay ko. Medyo malamig eh. Tapos tiningnan ko kamay ni Eayan. Sa sobrang kilig ko natanggal ko yung pagkahawak kamay namen. Nag-iinit pa mukha ko.

Bakit mo ko hinawakan?

Bawal ba? Sabi niya lang. Parang okay, wala lang.

Oo naman no, para sa boyfriend ko lang kamay ko no! sabi ko naman kunwari naiinis ulit.

Ang arte mo, wala ka pa namang boyfriend. Sabi niya.

Aba nang-iinsulto talaga to. Feeling ha! Nakakainis. Hindi porket alam niyang gusto ko siya eh paglalaruan niya na feelings ko. Hindi ako laruan!

Eh ano naman ngayon kung wala? May angal ka? Sabi ko.

Bakit ba ang sungit mo? Pasalamat ka nga may humawak pa ng kamay mo kahit pasmado! Sabi nya medyo inis na.

Ininsulto pa yung kamay ko! Hindi ko kasalanan na pasmado kamay ko. Grabeh to! Pahiian ko sakanya eh! Nakakainis.

Bakit ka ba andito, umalis ka na nga. Panira ka ng moment eh. Sabi ko sabay irap.

Eh sinusundo nga kita. Kasi sabi ni Commander baka nai-flush ka na sa CR. Pasalamat ka nga ako nag-volunteer na sunduin ka. Sabi niya. Ewan ko kung ano gustong palabasin ng lalaking toh. Minus pogi points na siya sakin.

Okay fine, Thank you but I can manage myself. Okay? Babalik na ako sa loob. Patayo na ako pero hinila niya ako. Naitama tuloy yung likod ko sa bench.  Ang sakit.

Hoy ha! Balak mo ba akong maparalyze? Sabi ko sakanya habang hinahaplos yung likod ko. Ang sakit talaga.

Sorry. San masakit? Tinanong niya habang hinahaplos niya rin yung part na hinahaplos ko kaya lang di ko masyado abot. Dito? Tanong niyang nag-aalala.

Aray! Huwag mong pisilin! Sigaw ko sakanya. Sobrang nakakainis na. Feeling ko tuloy iba naisip niya sa sinabi ko kasi napatigil siya tsaka siya ngumiti ng makalaglag panga! Shet bakit ang gwapo mo??

Ano?! Tanong ko sakanya. Saka siya tumawa.

Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa? Naiinis na talaga ako.

Umiling lang siya. Tara na nga sa loob yun lang saka niya ako inalalayan. NO MORE METEOR SHOWER L

 


*End of Flashback*



Bakit ako kinikilig? Dapat naiinis ako. Nakapikit pa pala ako. Nagulat ako nang naramdaman kong may nambato sa forehead ko ng kung ano. Shet! Sabi ko sa isip. Walang hiya yun, gabing gabi eh!

Hoy! Sabi sakin ng kababata kong si Paul. Gabi na para mag-daydream!

Ulol ka Paul! Ang sakit nun ah! Tsaka siya tumawid sa bakuran nila papunta sa veranda.

Ay masakit ba? Hmm. Sorry. Sabi niya. Ano ba iniisip mo diyan? O baka naman naiisip mo na naman si   Eay---

Tinakpan ko yung bibig niya bago niya makumpleto sasabihin niya. Ah ah Don’t say bad words.

Oo alam ni Paul na si Ea--- churva eklabuu ang first love ko. Kasi naman si Paul, tsismoso yan. By the way pinsan siya ng friend ni Churva Eklabuu. Nakatira lang kami sa iisang subdivision. Sila Paul kapitbahay namin. Two blocks away lang naman ang pagitan ng bahay nila sa bahay ng pinsan nyang si Carlo. Sila Carlo naman, kapitbahay nila CHurva Eklabuu. Natatandaan niyo pa ba si BFF ko at si  Darna? Oo yan siyempre.Si BFF ko medyo kalapit lang ng bahay namin bahay nila. Mga dalawang bahay lang pagitan. Si Darna naman, kalapit bahay nila Carlo. Si Darna tska si Carlo eh ewan ko kung mag-on o ano. Hahaha basta.

Okay so back to the story…

Okay. Eayan. Sambit ni Paul na nang-aasar

Pinalo ko siya. Grabe ka! Nag-aral ka ba? Alam mo ba meaning ng bad word?? Parang kinalembang yung tenga ko eh.

Oo na oo na. Sungit!

Sungit na naman. Lagi ko na lang naririnig ang sungit pag ako kausap ng mga tao. Nakakainis naman!

Nakasimangot ka na diyan. Sabi ni Paul.

Seryoso mukha ko. Paul sobrang sungit ko ba talaga?

Bigla siyang natawa. Tinatanong pa ba yan?

Paul naman eh. Kasi naman lahat na lang ng nakakausap ko o katext ko eh sinasabing masungit ako.  Nakasimangot pa rin ako.

Eh bakit ka ba kasi ganyan? Parang lagi kang nireregla eh. Nainis ako kay Paul. Wala talaga siyang kwentang kausap kahit kelan. Umalis na lang ako.

Hoy! Iiwan mo na lang ako dito?

Matutulog na ako! Sigaw ko sa kanya. Wala akong pakialam kahit marinig pa ng kapitbahay ang maganda kong boses. Nakakainis eh.

Woah! Sungit! Sige Goodnight! Sabi niya sabay walk out.

 

Ewan ko ba. Masungit ba ako? Hindi naman ah. Mabait kaya ako. Hmmm. Di lang nila ako naiintindihan. Haha napangiti ako. Bakit nga ba ako naging ganito? Siyempre dahil yun sa sobrang bitter at inis sa taong hmmmm. Nakakairita naiisip ko palang pangalan niya kumukulo na dugo ko pano pa kaya pag nakita ko na. Nakakainis talaga. Tapos nakatulog akong nakasimangot. 


*Ayan po ang sneak peak...abangan na lang ang susunod na mangyayari... ^__^V


 
 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola